2 years ago smartbro din ang gamit ko sa bahay kaso nagpalit na ako sa Globe dahil nga hindi ako satisfied sa service nila at yung mga gusto kong gawin hindi ko magawa dahil sa type ng pag implement ng network nila. IT din kasi ako kaya hindi kami magkaintindihan hehehe. ganito yun....
Sa SmartBro, ang binibigay na IP address sa ay shared IP address tulad ng iba din at usually private IP address eto. Yung MAC ADDRESS ng computer mo nakaregister yun sa database ng SmartBro so everytime na magcoconnect ka sa Internet, minamatch yung MAC ADDRESS ng Lancard mo sa nakaregister sa database nila, kung eto ay nakaregister na at nagmatch makakaaccess ka ng Internet at kung hindi nagmatch lalabas ule ang SmartBro Portal kung saan keylangan mo ule magregister using account mo.
Ang problema dito eh kung dalawa ang computer mo, so ibig sabhin every computer may sariling Lan Card at may sariling MAC ADDRESS eto, so kung isa lang ang nakaregister sa database ng SmartBro, isa lang ang pwede magaccess sa Internet, ibig sabhin hindi pwede sabay dahil bawat access sa Internet isang MAC ADDRESS lang ang inaallow.
Kahit gumamit ka pa ng router at hindi nakaconfigure ng maayos, hindi ka pa rin makakaaccess sabay sa SmartBro, lalabas at lalabas pa rin ang SmartBro portal kung alin man sa computer ang magaccess sa Internet dahil sa pabago bago na MAC ADDRESS na nagcoconnect sa Internet.
Dalawa lang ang naging solution ko dito noon, ewan ko lang ngayon dahil marami ng pagbabago at hindi na SmartBro ang connection ko kaya hindi na ako makapagexperiment.
1st solution walang gamit na router. kung 2 computers lang naman pero pwede marami
================================================== ===
PC1
- Maglagay ng dalawang LAN card
- 1st Lan Card connect mo eto sa SmartBro RJ45, so may Internet kana dito at make sure na maaccess mo ang SmartBro Portal para ang MAC ADDRESS ng 1st Lan card magregister eto sa SmartBro.
- 2nd Lan Card, enable DHCP para ang isang computer dito na rin kukuha ng IP Address pero pwede rin static IP address kung gusto mo.
- Enable Internet Sharing
- Connect PC2 using Crossover Cable
Pagnaconnect mo ang PC2 sa PC1 using crossover cable, magbibigay ng IP address ang PC1 using DHCP at makakaconnect na rin eto sa Internet, pero ang catch dito lagi na ka power ON ang PC1 dahil eto mismo ang magsisilbing router mo.
Pwede mo pa dagdagan ang computer mo kung marami ka pang computers, instead na crossover cable ang iconnect mo sa PC1 2nd Lan Card, connect mo ang straight through cable tapos sa switch, the connect mo mga computers mo sa switch para may Internet sila lahat.
2nd Solution Using Edimax Router
=====================
- Disconnect SmartBro RJ45 to PC
- Connect PC to Edimax Router
- Access Edimax Router using its default IP address usually 192.168.2.1, so open browser and type sa address bar http://192.168.2.1, mag login sa Username and Password, tingnan mo nalang sa manual pero usually ang default Username/Password nito ay "Admin/1234"
- Punta ka sa General Quick Setup
- Select Timezone
- Select Cable Modem
- Click Clone MacAddress - etong pinakaimportante sa lahat
- Save mo ang changes, ngayon nakasetup na ang router mo
- Connect SmartBro RJ45 to WAN Port ng Edimax Router
- Connect mo ang ibang computers mo sa Lan Ports ng Edimax Router
By default naka DHCP mode ang Lan Ports ng Edimax Router so lahat ng computer ay makakakuha ng IP address, kung hindi nakakakuha, enable DHCP sa LAN Settings.
Sana makatulong sa u kapatid, medyo matagal ko ng ginawa to. Oo nga pala check mo yung nabili mong Router kung may option na Clone Mac Address eto kasi ang pinakaimportante, bakit? dahil i coclone nya yung MAC Address ng computer mo na nakaregister sa SmartBro at eto ang ilalagay nya sa WAN port ng router, so parang ang WAN port ng router mo eto na rin
ang computer mo.
link
Saturday, April 24, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
IMEI
(2)
100 Tricks
(1)
????????
(1)
BROADBAND
(1)
Computer Problems Remove Recycler Virus
(1)
FAQ
(1)
GLOBE
(1)
HUAWEI
(1)
PC GAMES
(1)
PHILIPPINES
(1)
Paypal Bank code in the Philippines
(1)
Paypal code in philippines
(1)
Sandwich VPN
(1)
TATTO
(1)
UNLOCKER
(1)
WINDOWS
(1)
anonymizer
(1)
b933
(1)
ip hider or net optimizer
(1)
mf180
(1)
mf190
(1)
nokia dct4
(1)
paypal affiliate bank
(1)
paypal affiliate bank in philippines
(1)
paypal code
(1)
paypal philippines
(1)
philippine bank code
(1)
profile settings
(1)
sm*rtbro
(1)
swift code
(1)
No comments:
Post a Comment